-- Advertisements --
Muling nagpositibo sa coronavirus si Brazilian President Jair Bolsonaro.
Ito mismo ang kinumpirma ng kanyang kampo.
Unang nagpositibo si Bolsonaro noong Hunyo hanggang sa ito ay gumaling na at nagbalik trabaho.
Magugunitang inamin nito na makailang beses na siyang umiinom ng hydroxychloroquine, isang gamot sa malaria na nakatulong daw sa kaniya para gumaling sa COVID-19.
Sa huling pagtala ang Brazil ay merong ng mahigit sa 2.2 million ng mga COVID cases at pumapangalawa sila sa US.
Habang ang death toll naman ay higit 82,000 na.