-- Advertisements --

Nagpapagaling na sa pagamutan si Brazilian football star Pele matapos na operasyon.

Tinanggalan kasi ito ng tumor sa kaniyang colon.

Ayon sa 80-anyos na football legend, malignant ang kaniyang tumor at bumubuti naman ang kaniyang pakiramdam.

Dagdag pa nito, nakita ang tumor nito noong nakaraang linggo matapos na ito ay magpasuri sa pagamutan.

Si Pele ang tanging manlalaro na nanalo ng tatlong World Cup na dating manlalaro ng Santos at New York Cosmos.

-- Advertisement --