-- Advertisements --

Nakatakdang tumulak sa Jordan sa mga susunod na linggo ang mga boksingero ng ating bansa para lumahok sa Asian Boxing Championship na gaganapin mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 13.

Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) executive director Marcus Jarwin Manalo na may mga ilang local boxers na ang kasalukuyang nagsasanay na.

Magsisimula ang kanilang training camps sa Jordan mula Oktbure 14 bago ang pagsabak sa mga laban.

Bukod pa dito ay naghahanda rin ang boxing team ng bansa para sa ilang Olympic qualifiers gaya ng Asiad European Games, Pan-American Games, Pacific Games at ilang torneo sa Africa.

Magugunitang noong 2018 Asian Games sa Indonesi ay nakapaguwi ng silver medal sina Rogen Ladon at bronze medal naman kay Carlo Paalam.

Ang huling gintong medalya na nakapaguwi ang Pilipinas ay noong 2010 Guangzhou Asian Games sa pamamagitan ni Rey Saludar.