Naniniwala si boxing legend Evander Holyfield na muling mababawi Mexican boxer Andy Ruiz ang kaniyang titulo.

Sinabi nito na may kakaibang lakas at malaki ang potensiyal ni Ruiz na magwagi muli kapag makaharap si Anthony Joshua.

Hindi na rin ito nagulat ng talunin ni Ruiz si Joshua sa unang pagkikita nila noong Hunyo.

Naging tamad lamang aniya si Ruiz pagkatapos ng panalo kaya siya binawian at tinalo ni Joshua sa kanilang paghaharap nitong buwan ng Disyembre.

Magugunitang naging sparring partner ni Holyfield si Ruiz noong ito ay nanumbalik sa boxing ito noong 2011.