-- Advertisements --
Muling hinimok ng OCTA Research Group ang gobyerno na ikonsidera ang pagbibigay na ng booster shots.
Sa harap ito ng pagluluwag sa alert level system sa Metro Manila at posibleng paghina na ng vaccine efficacy.
Pangunahing binabantayan dito ang kalagayan ng mga health workers at mga may ibang may comorbidities.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mahalagang matiyak pa rin ang kondisyon ng health frontliners kahit bumaba na ang mga kaso ng COVID-19.
May mga lumilitaw pa rin kasing mga bagong variant ng COVID, kagaya ng nangyayari sa Europa.
Sa isyu naman ng face shields, naniniwala si David na hindi na ito kailangan, lalo’t walang malinaw na patunay na nagbibigay ito ng dagdag na layer ng proteksyon.