Nakakuha ang Bombo Radyo Philippines ng umaabot sa 16 finalist nominations sa 45th Catholic Mass Media Awards (CMMA) para sa taong 2023.
Ang prestihiyong pagkilalang ito mula sa CMMA ay patunay sa walang patid na dedikasyon ng Bombo Radyo Philippines sa serbisyo publiko at kahusayan sa larangan ng media.
Sa loob ng ilang taon, ang Bombo Radyo Philippines ay patuloy na kinikilala ng CMMA, na tumatanggap ng mga parangal bilang pinakamahusay na mga programa.
Ang CMMA ay sinimulan ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin noong 1978, kasabay ng observance ng International Social Communication Day.
Ang patuloy na pagkilalang ito ay nagbibigay-diin sa pangako ng network sa paggawa ng pinakamataas na kalidad ng content na sumasalamin sa lipunan at gumagawa ng positibong epekto sa lipunan.
Mula sa 31 fully digitalized AM at FM stations, ang Bombo Radyo ay nananatiling nakatuon sa serbisyo publiko.
Madalas pang pagkakataon na ang naglalaban-laban sa mga kategorya ng CMMA ay pawang Bombo Radyo at Star FM programs.
Ang bawat tagumpay na ito ay hindi lamang testamento sa dedikasyon kundi isang reflection din ng patuloy na pangako sa mga tagasubaybay.
Ipinagmamalaki ng Bombo Radyo Philippines ang reputasyon nito bilang number one and most trusted radio network in the country, at ang pagkilalang ito mula sa CMMA ay nagpapatibay lamang sa posisyon sa industriya.
Basta Radyo, Bombo!