-- Advertisements --
CEBU CITY – Pinuri at pinasalamatan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang corporate social responsibility ng Bombo Radyo Philippines kabilang na ang taunang Bombo Medico.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dela Rosa, sinabi nito na importante ang nasabing medical mission dahil makakatanggap ang mga mahihirap na mamamayan ng libreng medical services para sa kanilang karamdaman.
Sinabi ng dating PNP chief na nakikiisa ito sa nasabing aktibidad bilang isang public servant lalo na’t ang tanging dahilan ng kanyang pagtakbo nito noong nakaraang halalan ay ang magsilbi sa taongbayan.
Inihayag naman ni Dela Rosa na gustung-gusto nyang tumulong sa taunang medical mission ngunit limitado pa sa ngayon ang kanyang opisina sa kakayahan nito.