Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 7 na nagpapahintulot na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa indoor locations.
Batay sa Executive Order No. 7, pinahintulutan na ni Pangulong Marcos ang patakaran sa pagsusuot ng face masks sa indoor settings, kasabay ng pag-iral sa bansa ng new normal.
Una nang inianunsiyo ni Department of Tourism (DoT) Secretary Christina Frasco noong October 25, 2022 ang nasabing direktiba, ngunit ngayon lamang nailabas ang mismong EO No. 7.
Nilinaw naman ng pamahalaan na required pa rin ang pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong transportasyon, sa mga sasakyang ginagamit sa paghahatid ng mga pasyente gaya ng ambulansiya at maging sa mga ospital at iba pang medical facilities.
Mahigpit namang hinihikayat ang mga hindi pa bakunado, na ituloy pa rin ang pagpapaturok ng COVID vaccine, pati na ng booster shots, para may panlaban sa mga kumakalat pa ring variant ng naturang virus.