-- Advertisements --

Nangailangan pa ng overtime ang Meralco Bolts para tuluyang talunin ang Magnolia Hotshots 109-104.

Bumida sa panalo si Chris Newsome na nakapagtala ng 26 points bukod pa sa naipasok nito ang fadeaway jumper sa natitirang 10.2 seconds sa laro na ginaganap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Itinuturing ni Bolts coach Norman Black ang panalo bilang isang malaking hamon ang kanilang panalo.

Mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo ang Bolts habang isang panalo at tatlong talo naman ang naitala ng Magnolia.