-- Advertisements --

Nabuhay pa ang tsansa ng Meralco Bolts matapos na magwagi laban sa Magnolia Hotshots 91-86.

Dahil sa panalo ay naiwasan ng Bolts na makuha ng Magnolia ang 3-0 kalamangan sa kanilang best of seven 2021 PBP Philippine Cup semifinals.

Hawak ng Bolts ang kalamangan 75-54 sa pagsisimula ng last quarter hanggang napababa ito ng Magnolia 89-86 sa kalahating minuto ng last quarter.

Bumida sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na mayroong 17 points, anim na rebounds at apat na assists habang si John Pinto ay mayroong 16 points at limang rebounds.