-- Advertisements --

Aabot sa P19.22 biyon na halaga ng mga smuggled goods ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa unang tatlong buwan ng 2023.

Karamihan aniya sa mga nakumpiska ay mga pekeng produkto na nagkakahalaga ng P13.249 bilyon, sumunod ang agricultural products na nagkakahalaga ng P2.552 bilyon, sigarilyo at mga tobacco products na nagkakahalaga ng P1.748 bilyon at iligal na droga na nagkakahalaga ng P849 milyon.

Aabot rin sa 48 imporerts at 19 customs brokers ang kanilang tinanggalan ng accreditations dahil sa paglabag sa Customs laws, rules and regulations.

Pagtitiyak ng BoC na tuloy ang kanilang gagawing pagbabantay para hindi makapasok ang mga kontrabando sa bansa.