Pumirma na ng kontrata sa Blackwater si Maurice Shaw.

Siya na ang naging pangalawang top draft pick na pumirma sa Rookie Class of 2019 na may three-year, maximum deal.

Kaharap nitong pumirma ng kontrata si team owner Dioceldo Sy, team governor Siliman Sy at agent nitong si Samuel Jeung isang Chinese national na nakabase na sa Brunei.

Nauna ng nakapirma sa regular draft ng Columbian Dyip ang kasabay nitong si Roosevelt Adams na may option na palawigin ito sa ikatlong taon.