Inanunsiyo ng Korean girl group na Blackpink ang pagsasagawa nila ng livestream concert ngayong Disyembre.

Gaganapin ito sa Disyembre 27 dakong alas-2 ng hapon.

Ang “The Show” virtual concert ay mapapanood sa YouTube channel ng grupo.

Matutunghayan ng kanilang fans ang kauna-unahang pagkanta ng kanilang bagong mga kanta mula sa kakalabas na album.