-- Advertisements --

Nanguna ang Korean girl group na Blackpink na kinuha ng United Nations para magsulong ng paglaban sa climate change.

Kasama nila ang American poet na si Amanda Gorman na tumayo sa chamber sa UN General Assembly sa New York.
Isinagawa nila ito bago ang pormal na pagtatalumpati ng nasa 193 member body ng UN.

Sa pamamagitan lamang ng kanilang video message ay ipinarating ng Blackpink ang kanilang panawagan para sa paglaban sa climate change.

Sinabi ni Gorman na ngayon pa lamang ay dapat gumawa ng hakbang ang mga bansa bago pa man mahuli ang lahat.

Kabilang si Gorman at ang Blackpink sa event na nagsusulong ng 17 sustainable developlment goals na binuo ng United Nations noong 2015.