Jessica Reynoso
Jessica Reynoso/ FB image

Ipinakilala na ng grupong Black Eyed Peas ang bago nilang miyembro.

Ito ay sa pamamagitan ni Jessica Reynoso.

Unang sumabak si Reynoso sa pagtatanghal ng grupo sa closing ceremony ng 30th SouthEast Asian Games sa New Clark City.

Bagamat nakasama siya sa world tour ng grupo ay ngayon lamang ipinakilala sa mga Pinoy fans ng leader ng grupo na si Apl.de.ap.

Pinalitan ni Reynoso ang dating miyembro ng grupo na si Fergie.

Si Reynoso ay contestant ng isang singing show sa local television ng bansa kung saan kabilang si Apl de Ap.