-- Advertisements --

Target ng Bureau of Internal Revenues (BIR) ang 98% na ang fully-electronic ang paghahain ng buwis ngayong 2022.

Sinabi ni BIR Commissioner Lila Guillermo na noong nakaraang mga buwan pa lamang ay mayroon ng 84% sa collection ng BIR ay sa pamamagitan ng e-payment.

Layon kasi nila na magkaroon ng 100% fully-electronic tax filing hanggang sa katapusan ng taon.

Sa nasabing paraan aniya ay wala ng magiging mahabang pila tuwing nagkakaroong deadline ng pagbabayad ng mga buwis.

Umaasa din ang BIR na sa 2023 ay magiging 100 porsyento na ang digital payment ng BIR.