-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit P7.2 bilyon na mga sigarilyo at vape products na hindi nagbabayad ng mga buwis ang nakumpiska ng Bureau of Internal Revenue sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, na sa kasalukuyan ay nakapagkumpiska na sila ng mahigit na 500,000 pakete ng mga sigarilyo at 170,000 na mga vape products mula Enero hanggang Hunyo.

Inamin nito na ang iligal an pagpasok at pagbebenta ng nasabing mga produkto ay siyang nananatiling problema sa bansa.

Pagtitiyak niya na tuloy-tuloy ang ginagawang pag-raid sa mga iligal na sigarilyo at mga vapes hindi lamang sa mga maliliit na bentahan at sa halip maging sa mga bodega.