Nanindigan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kanilang bubuwisan ang mga honoraria na tatanggapin ng mga guro na magsisilbi sa halalan.
Ayon sa BIR, na patuloy pa rin nilang ipapatupad ang nilalaman ng kanilang ruling 750-18 na inilabas noong nakaraang taon.
Nakasaad sa nasabing kautusan na ang mga allowances ay nararapat pa rin na patawan ng withholding tax.
Nilinaw naman nila na hindi ito mapapatawan ng tax sakaling ang taunang sahod ng mga guro ay hindi lalagpas ng P250,000 na naaayon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Base sa Commission on Election (COMELEC) na makakatanggap ng P6,000 na honorarium ang isang guro kung mamumuno ito bilang Board of Election Inspectors (BEI) at P5,000 naman sa bawat member of panel.