-- Advertisements --

Tiwala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kayang-kaya nilang maabot ang kanilang target collection ngayong taon.

Sinabi ni Commissioner Romeo Lumagui Jr, na sa mga ipinapatupad na nilang programa ay hindi malabong makamit o mahigitan ang collection target na nagkakahalaga ng P2.599 trillion.

Isa sa inihalimbawang programa ng ahensiya ay ang Run After Tax Evaders (RATE) Program kung saan hinahabol nila ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ang target collection ng BIR ngayong taon ay mas mataas na 10.95 percent mula sa P256.444 bilyon noong 2022.

Sa unang anim na buwan lamang aniya ng 2023 ay nakapagkulekta na ang BIR ng P1.2 trillion.