Magpapatawag ng pagpupulong ang bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga influencers sa bansa para mapilitan ang mga ito na mag-comply sa pagbabayad ng buwis.
Kasunod ito sa pagdami ng mga pumapasok sa nasabing trabaho para kumita ng pera.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, na nananatili pa rin ang kanilang plano na atasan ang mga social media influencers na magbayad ng kanilang buwis sa gobyerno.
Paglilinaw nito na dahil sila ay kumikita ng pera kaya nararapat na sila ay buwisan.
Itinuturing ang mga ito bilang self-employed na may negosyo ng sarili nila.
Aminado ito na nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan sa anunsiyo nila noon na sila ay bubuwisan kaya maraming mga influencers ang nag-delete ng kanilang mga channel.
Bagamat wala pang naganap na pagpupulong sa mga ito ay nasa proceso na sila sa pag-audit.
















