Ipinagmalaki ni BioNTech co-founder Ugur Sahin na mailalabas na sa publiko ang kanilang bakuna laban sa coronavirus sa Disyembre.

Makikinabang aniya dito ay mga taga US at Europe hanggang sa katapusan ng taon.

Dagdag pa nito na mabilis na silang nagtatrabaho at baka sa susunod na linggo ay makakatanggap ang Europe ng panibagong batch ng data tungkol sa bakuna.

Malaki kasi ang tiwala nito na matatanggap nila ang approval mula sa US at Europe sa Disyembre para makapagsimula na sila ng maglabas ng COVID-19 vaccine.