-- Advertisements --

DAVAO CITY – Napilitang iwanan ng pamilyang Niemes ang lamay ng kaanak na Senior High School Teachers Filipe Niemes sa isa sa mga punerarya sa lungsod ng Digos dahil sa text message na uubosin sila dahil sa pagkasangko sa investment scam.

Matatandaan na ang senior high school teacher ay binaril sa ulo ng di pa kilalang suspek habang sakay sa isang tricycle sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

Humingi ng Police escort mula sa kapolisan ng Digos sa kanilang pag-uwi sa bayan ng Sta. Cruz.

Dahil sa nasabing banta mga kaibigan na lamang ng guro ang nagbabantay sa kanyang lamay.

Natatakot din ang mga kaibigan ng Senior High School teacher na mapagkamalan silang kamag-anak ng biktima.

Napag-alaman na ang pagmangkin ng biktima Nieko Niemes maraming dinadalang investment scheme bilang agent at marami ang naging biktima at nagamit.