Aabot sa 329 ang kabuuang nominado par asa Nobel Peace Prize ngayong taon.

Ayon kay Norwegian Nobel Committee Secretary Olav Njoelstad ito na ang pangatlong beses na may pinakamataas na bilang ng nominado.

-- Advertisement --

Ang pinakamataas ay 376 noong 2016.

Sa nasabing bilang ngayong taon 234 dito ay mga indibidwal at 95 naman ang mga organisasyon.

Ilan sa mga nominado ngayong taon ay sina Alexei Navalny ang Russian opposition leader at Greta Thundberg ng Sweden.

Pinuri ng Nobel Committes ang mga nominators na binubuo ng mga members of parliaments hanggang sa mga dating mga nanalo.