-- Advertisements --
Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong buwan ng Setyembre.
Base sa inilabas na datos ng Social Weather Station (SWS) na mayroong 7.9 milyon na mga Filipino ang walang trabaho sa third quarter ng 2023.
Ang nasabing bilang ay 16.9 percent na mas mababa mula sa 22.8% o katumbas ng 10.3 milyon noong Hunyo.
Mas mababa ring ang nasabing bilang na 18.6 percent sa parehas na quarter noong 2022.
Ito na ang pinakamababa mula ng nagtala ng 15.7% na naitala noong Disyembre 2017.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023 gamit ang face-to-face interviews sa may 1,200 adults na tig-300 sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.