-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga pulis na infected ng COVID-19.

Ito ay matapos na ilang araw din na mataas palagi ang bilang ng mga pulis na tinatamaan ng nakamamatay na virus.

Sa datos ng PNP, kahapon nasa 11 bagong kaso na lamang ang naitala.

Pinakarami pa rin sa NCRPO kung saan pito ang bagong kaso, sa PRO7 nasa 2, sa PRO3 may isa at sa PRO10 ay isa rin.

Kung ikukumpara noong Lunes nasa 29 ang bagong kaso habang 76 naman sa araw ng Linggo.

Umaasa ang pamunuan ng PNP na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga pulis na tinatamaan ng COVID-19.

Sa ngayon nasa 2,048 pulis ang kumpirmadong positibo sa COVID.

Nasa 730 ang naka-recover at 10 na ang namatay.

May 809 naman ang suspected cases at 2,464 ang probable COVID cases.