Iniulat ng isang state weather bureau na bumaba pa ang bilang ng mga probinsyang apektado ng nararanasang El Niño phenomenon sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling ulat ng Task Force El Niño noong Enero 21, 2024, mula sa dating 50 mga probinsya ay bumaba na lang sa 41 ang bilang ng mga lugar.
Ngunit gayunpaman ay nilinaw ng naturang task force na kinakailangan pa rin na maging handa ng ating bansa sapagkat inaasahang magpapatuloy pa ang epekto ng nararanasang matinding init nang panahon hanggang sa buwan ng Mayo.
Sa katunayan ay patuloy na nararanasan ngayon ang drought sa ilang probinsya sa Pilipinas kabilang na sa Apayao, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Palawan, and Pangasinan.
Samantala, sa kabilang banda naman ay sinabi ng Department of Environment and Natural Resources na mananatiling sapat ang suplay ng tubig sa mga dam hanggang sa buwan ng Mayo.
Habang kasalukuyan nang nagsasagawa ng intervention ang Department of Energy upang tiyakin ang energy security ng ating bansa sa gitna ng El Niño phenomenon.