-- Advertisements --

Tumaas ang bilang na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mga reklamo sa kanilang mga consumer.

Base sa BSP na mayroong 22,142 na reklamo ang kanilang naitala noong 2022 na ito ay mas mataas ng 19,181 noong 2021 sa ibang ng channel nila g consumer assistance mechanism (CAM).

Nasa 75 percent ng nasabing mga reklamo ang naiproseso sa pamamagitan ng kanilang automated chatbot BSP Online Buddy.

Ang nasabing sistema ay maaaring ihain ng mga consumer ang kanilang reklamo direkta sa BSP.

Karamihan sa mga reklamo na natanggap nila ay ang iligal na pagbawas sa kanilang mga pera sa bangko at iba pa.

Pagtitiyak pa ng BSP na kanilang natutugunan ang mga reklamong natatanggap nila.