-- Advertisements --

Isinailalim na rin sa tropical cyclone wind signal number one (1) ang ortheastern portion ng mainland Cagayan o area ng Santa Ana; bukod pa sa Batanes at Babuyan Islands.

Ito’y kahit bahagyang humina ang bagyong Henry na dating super typhoon.

Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 395 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kph at may pagbugsong 215 kph.

Halos wala namang gaanong pagkilos na ipinapakita ang bagyo mula sa kaniyang lokasyon.