-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nakabalik sa trabaho, simula nang ibaba sa alert level 3 ang status sa Metro Manila.

Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo, halos araw-araw ay nadadagdagan ang mga nagbubukas na negosyo.

Kasama na rito ang lumang negosyo na muling binubuksan at meron ding bagong negosyo na nagsisimula pa lang.

Patok pa rin sa mga ito ang food businesses, delivery services at iba pa.

Payo ng DTI, iparehistro dapat ang lahat ng negosyo, para makakuha ang mga ito ng angkop na proteksyon kung sakaling may mga maitatalang suliranin.