Tumaas sa US ang bilang ng mga nagrerenta ng mga private jet dahil sa banta ng COVID-19.

Umaabot sa 300% ang pagtaas kumpara noong nakaraang taon sa parehas na buwan.

Ayon sa grupo ng mga business jets, na hindi lamang ang mga mayayaman ang nagrerenta ng mga private jets maging ang mga ordinaryong mamamayan.

Aabot sa $7,000 o katumbas ng P350,000 ang bawat seat ng private jet.

Lahat aniya ng mga eroplano ay may intense sterilization techniques at maging ang mga piloto nila ay isasailalim sa masinsinang quarantine ang mga ito.