-- Advertisements --
Tumaas ang insurance contributions mula sa mga low-income Filipinos noong nakaraang taon.
Ayon sa Insurance Commission (IC) na mula Enero hanggang Setyembre 2023 ay nagtala sila ng P10.2 bilyon na kontribusyon.
Mas mataas ito ng 20 percent mula sa P8.49 bilyon noong 2022.
Isa sa mga dahilan nito ay ang pagtaas ng premium collection mula sa lahat ng sektor ng life, non-life at mutual benefit associations (MBA).
Nagtala rin ng pagtaas ng bilang ng mga buhay na nagpa-insured sa ilalim ng microinsurance products na ito ay mayroong 2.34 percent o katumbas ng 56 milyon sa loob ng siyam na buwan.