-- Advertisements --
Aabot sa halos 90 percent ng mga mahigit 85,000 na mga guro sa Metro Manila ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni DepEd National Capital Region (NCR) Regioinal Director Wilfredo Cabral na mas mataas ang nasabing porsyento ito kaysa sa national average.
Lahat aniya ng guro ay kanilang pinakiusapan na magpabakuna para lalo na at pinaplano na nila ang pagbubukas ng face-to-face classes.
Hanggang nagpapatuloy pa rin aniya ang pandemya ay magpapatupad pa rin sila ng blended learning.