-- Advertisements --
Umaabot na sa 224 na lugar sa Metro Manila ang kasalukuyang naka-lockdown dahil sa hawaan ng COVID-19.
Nasa 125 bahay ang kinordon para matiyak na hindi lalabas ang mga residente rito.
Mayroon ding 51 residential buildings sa mga syudad ang nakitaan din ng hawaan.
Bukod dito may 11 kalye din ang hindi maaaring daanan sa loob ng ilang araw.
Umaabot naman sa 15 subdivision at villages ang isinara, maliban pa sa 22 maliliit na lugar na may kahalintulad ring sitwasyon.
Nagtalaga ang pulisya ng 500 tauhan sa mga apektadong lugar, upang maiwasan ang pagtakas ng mga residenteng sakop ng granular lockdown.