-- Advertisements --
Malaki ang posibilidad na aabot ng mahigit na P4.00 sa kada litro ng diesel ang itataas ngayong linggo.
Ayon kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad, na ito ang kanilang nakikitang estimate na pagtaas ngayong linggo.
Habang ang kerosene ay maaring maglaro ng P2.00 hanggang P3.00 sa kada litro ang itataas.
Mayroong katiting naman na pagtaas ang kada litro ng gasolina na maglalaro ng mula P0.10 hanggang P0.50 sa kada litro.
Ito na ang pang-limang sunod na linggo na nagkaroon ng taas presyo sa mga produktong petrolyo.
Malalaman ngayong araw kung magkano ang taas presyo na kadalasang ipinapatupad ay sa araw ng Martes.
















