-- Advertisements --
Mananatiling makulimlim sa malaking bahagi ng ating bansa at kung minsan ay may pagbuhos ng ulan at baha dahil sa dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa ulat ni Meno Mendoza ng Pagasa forecasting center, huling namataan ang unang LPA sa layong 90 km sa silangan ng Baler, Aurora.
Habang ang ikalawa ay nasa layong 235 km hilagang kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.
Kabilang sa mga pangunahing maaapektuhan ng LPA at tail – end ng frontal system ang Cagayan Valley at Aurora.
Habang extension naman ng ikalawang LPA ang magdudulot ng ulan sa Palawan, Quezon at natitirang parte ng Northern Luzon.
















