Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Nangrerecruit umano ng mga bagong myembro ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Maguindanao.

Itoy sa pamumuno ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.

Karamihan umano sa mga nirerekrut ay mga binatilyo at may mga menor de edad pa.

Usap-usapan ngayon na tumanggap ng malaking pondo ang grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik mula sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Nagyabang pa ang mga terorista na may mga bagong armas umano silang pandigma laban sa militar,

Nangako umano ang BIFF sa kanilang mga bagong myembro na may tatanggapin itong buwan-buwan na sahod pati ang kanilang pamilya.

Hindi naman makomperma ng militar at pulisya ang mga bagong armas ng BIFF ngunit positibo itong nangrerekrut ng mga bagong mandirigma at sinasanay umano ng mga dayuhang terorista.