-- Advertisements --

Pinawi ni US President Joe Biden ang pangamba ng marami niyang mamamayan na nahaharap sa matinding problema ang kanilang banking system.

Kasunod ito sa tuluyang pagbili ng JPMorgan Chase sa First Republic Bank.

Ayon sa US President na naging maganda ang ginawa ng US Federal Deposit Insurance Corp. (FDIC) na mamamagitan sa pagbenta sa First Republic Bank para na rin sa proteksyon ng mga depositor.

Una ng nagpasya ang JPMorgan Chase na magbayad na lamang ng $10.6 bilyon sa FDIC para makontrol na nito ang mga assets ng nasabing San Francisco-based bank.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagsara ang Silicon Valley Bank at Signature Bank habang ang Swiss Lender na Credit Suisse ay binil ng katunggali nitong UBS.