Nasa mahigit 2 milyon residente ng Florida ang nanatiling walang suplay ng kuryente.
Ito ay dahil sa pananalasa ng hurricane Ian.
Bagamat na-downgrade na ito sa tropical storm ay nagbabala pa rin ang National Hurricane Center na posibleng bumalik ito sa pagiging hurricane.
Idineklara naman na ni US President Joe Biden na “major disaster” at inaprubahan ang federal disaster funds.
Sa kaniyang talumpati sa Federal Emergency Management Agency (FEMA) sinabi ng pangulo na sasagutin ng gobyerno ang lahat ng gastusin sa search and rescue at ang paglilinis sa mga debris ganun din ang pagbangon sa mga lugar sa Florida.
Magugunitang nitong Huwebes ng madaling araw sa PIlipinas ng maglandfall ang hurricane Ian na nasa category 4 at nagdulot ng malawakang pagbaha sa nasabing lugar.