-- Advertisements --
Ang pagpapalakas ng ekonomiya ng US at South Korea.
Ito ang naging pangunahing pakay ni US President Joe Biden sa pagbisita niya sa South Korea.
Pagkalapag pa lamang ng kaniyang Air Force One sa Osan Air Base ay sinalubong siya ni South Korean President Yoon Suk-yeol.
Ang limang araw na pagbisita nito sa South Korea at Japan ay siyang unang beses na paglakbay ni Biden mula noong ito ay maupo sa puwesto.
Ikinatuwa naman ni South Korean President ni Yoon Suk-yeol na napili ni Biden na bisitahin ang kanilang bansa dahil magdudulot ito ng magandang resulta sa kanilang ekonomiya.