-- Advertisements --

Pinuri ni US President Joe Biden ang ginawang makakasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Iraq.

Ayon sa US President na mahalaga ang dalang mensaheng pangkapayapaan ng Santo Papa sa pagbisita nito sa Iraq.

Dagdag pa nito na nagbibigay ng pag-asa ang pagdalaw ng 84-anyos na Santo Papa sa mga lumang religiuos sites kabilang ang mga lugar kung saan isinilang si Abraham at ang pakikipagpulong sa Grand Ayatollah Ali al-Sistani sa Najaf at ang pagdarasal sa Mosul.

Magugunitang naging makasaysayan ang pagbisita ni Pope Francis sa Iraq dahil sa hindi nito inalintana ang banta ng seguridad sa nasabing lugar.