LEGAZPI CITY – Muling nakapagtala ng panibagong kaso ng coronavirus disease ang rehiyong Bicol ngayong araw ang Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Ito ay matapos ang pitong araw na walang naitatalang COVID-19 positive sa rehiyon.

Dahil dito, umakyat na sa 69 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa Bicol habang 47 naman ang tuluyan nang naka-recover.

Si Bicol patient #69 ay isang 21-anyos na babae mula sa Legazpi City sa lalawigan ng Albay na nabatid na may travel history sa Laguna.

Dumating ang naturang pasyente sa lalawigan noong Mayo 22 na ngayon ay naka-quarantine na.