-- Advertisements --
OFW COVID WTC

Mahigpit na nagsasagawa ang Bureau of Immigration (BI) sa pag-trace sa mga umuwing overseas Filipino workers (OFW) na itinatago ang kanilang pagkakakilanlan para makaiwas sa mandatory 14-day quarantine period.

Ayon sa BI na ang kanilang mga opisyal sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emergency Infectious Diseases para tulungan sila sa pagkilala sa mga OFW na sumasailalim sa mass testing para sa coronavirus disease 2019 at sumailalim sa mandatory quarantine.

Sinabi naman ni BI Commissioner Jaime Morente na inatasan sila ng IATF na lahat ng mga dumarating na manggagawa na sumailalim sa mass rapid test sa airport bago sila dalhin sa designated facility para sa quarantine.

Tiniyak naman nila na kahit magsinungaling ang mga ito ay mahahanap pa rin ang mga ito.