-- Advertisements --
Pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangingisda na huwag matakot na mangisda sa West Philippine Sea.
Sinabi ni BFAR Director Eduardo Gongona, na mahigit 300,000 metric tons ng isda na ibinebenta sa bansa ay galing sa WPS kada taon.
Nanawagan din ito sa mga mangingisda na alagaan ang nasabing lugar at isumbong ang anumang iligal na aktibidad na nagaganap.
Inamin ng BFAR na bumaba ang bilang ng mga isdang nakukuha sa WPS dahil sa ipinapatupad na paghihigpit.