-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang binata sa isinagawang anti Illegal Drug Buy bust operation ng mga mga kasapi ng SCPO Station 1 ang isang Bet Collector ng Small Town Lottery sa Purok Uno, Brgy. Centro East, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang suspect ay si Lemuel Bugarin, 24 anyos, binata, kubrador at residente ng nabanggit na lugar.

Pinangunahan ang operasyon ng City Drug Enforcement Unit ng SCPO, Station 1 katuwang ang Drug Enforcement Unit ng Presinto Uno at ng PDEA Region 2 na nagbunga sa pagkakadakip ng suspect.

Nakipagtransaksyon umano ang suspect sa isang pulis na naging na poseur buyer bitbit ang isang sachet ng hinihinalang shabu katumbas ng isang libong piso na umanoy nakuha sa pag-iingat ni Bugarin.

Todo tanggi naman ang suspect at sinabing napadaan lamang umano sa lugar dahil makikipagkita lamang umano sa isang babae kaya naman laking gulat umano nito nang dakpin na ng mga otoridad.

Batay sa record ng mga kapulisan dati nang nasangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang suspect na nakulong taong 2014 at nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining taong 2018 at naitalang kabilang sa talaan ng Street Level Individual.