Bella Hadid
Bella Hadid/ IG post

Nagkaayos na ang model na si Bella Hadid at singer Selena Gomez.

Kasunod ito sa kontrobersyal na pag-post ni Bella sa IG ng kaniyang larawan at ng mag-comment si Selena ay kanya itong binura.

Nakakuha naman ng screenshots ang kanilang mga fans.

Matapos ang insidente ay personal na pinuntahan ni Bella si Selena at humingi na ito ng paumanhin.

Nilinaw ni Bella na kaya niya binura ang nasabing larawan ay dahil hindi ito kaaya-aya.