Target ni Filipino Mixed Martial Arts (MMA) fighter Kevin Belingon na makaharap si John Lineker.

Sinabi nito na isang magaling na fighter ang Brazilian at dating UFC fighter.

Itinuturing kasi na isa sa pinakamagaling na fighter sa MMA si Lineker.

Pagtitiyak ng Team Lakay member na kapag nag-cross ang landas nila ay tiyak na magiging matindi ang labanan.

Magugunitang nabigo si Belingo sa kamay noon ni Bibiano Fernandez ng Brazil noong nakaraang Oktubre.