-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Belgium sa umanoy pangingialam ng Russia sa European Parliament elections.

Ayon kay Prime Minister Alexander De Croo na kinumpirma ito ng kanilang intelligence service.

Layon umano ng Russia na makakuha ng mga kandidato na pabor sa kanila para mamuno sa European Parliament.

Kapag nangyari umano ito ay hihina na ang suporta ng European Parliament sa Ukraine.

Hindi naman na nito binanggit ang pangalan ng nasa likod ng tangkang pangingialam sa halalan at hindi na rin nagbigay pa ng ibang detalye ukol dito.