-- Advertisements --

Nakatakdang isailalim sa COVID-19 test ang ilang katao na malapit sa isang bar sa Beijing, China.

Ito ay matapos na magtala ang China ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 na umabot ng 166.

Bagamat mababa ito sa international standard subalit mataas na ang nasabing bilang sa China dahil sa pinapanatili nila ng ang pagkakaroon ng zero na COVID-19 case.

Base sa mga health authorities ng China, nakita nilang tumaas ang bilang ng kaso sa mga nagtungo sa Heaven Supermarket Bar.

Mula noong Abril 22, ay aabot na sa 1,997 na kaso ng COVID-19 ang naitala.

Bagamat niluwagan na nila ang quarantine restrictions ay mananatili pa rin sa mga pagamutan at quarantine ang sinumang magpositibo at mahawaan ng nasabing virus.