-- Advertisements --

Nakakatiyak sa twice-to-beat advantage ang San Miguel Beermen matapos talunin nila ang Terrafirma Dyip 132-110 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Nagtala ng record high score si Bennie Boatwright Jr na mayroong 51 points, 12 rebounds at tatlong assists.

Nailapit pa ng Dyip ang scoring sa last quarter subalit hindi nagpabaya ang Beermen hanggang tuluyan silang magwagi.

Nakapag-ambag naman ng 22 points, anim na rebounds at dalawang assists si Don Trollano.

Nasayang naman ang nagawang 26 points, pitong rebounds at apat na assists ni Gomed de Liano para sa Dyip na mayroon ng dalawang panalo at walong talo.