-- Advertisements --

Pinahiya ng San Miguel Beermen ang Phoenix Super LPG 108-100 sa nagpapatuloy na 47th PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 24 point at 15 rebounds at 24 points din ang naitala ni Vic Manuel.

Sa simula ay hawak ng Phoenix ang kalamangan hanggang tinutukan ng Beermen ang depensa ng Phoenix at doon na lamang sila nakalamang sa pagpasok ng second quarter hanggang sa last quarter.

Ikinatuwa ni Beermen coach Leo Austria ang naging performance ng kaniyang manlalaro lalo na at ang ilan sa kanila ay kagagaling lamang sa paglalaro sa SEA Games.